Mga namamalimos sa Naga City, dumadami na naman; ang iba mga batang anak ng mga nagtitinda

NAGA CITY – Dumadami na naman ang mga matatanda at mga batang namamalimos sa lungsod ng Naga.

Ito ang napag-alaman kay Annabel Vargas, City Social Welfare and Development Office- Head,’ kung saan ang iba mga anak ng ilang nagtitinda sa lungsod, may iba naman na mismong kasama na ang tatay sa namamalimos, karamihan pa mga senior citizen, na ang iba mula ng ibang bayan, lalo na tuwing Sabado at Linggo.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Maliban sa nakakakua ng pera, nagiging pantawid gutom na ng mga namamalimos. Ilan sa mga dahilan naman ng mga magulang ay walang mapag-iwanan sa anak habang nagtitinda.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon pa sa opisyal, dahil sa paulit-ulit na senaryo, isa ang paglalagay ng child center na pang-iiwanan ng mga bata malapit sa plaza sa kasentruhan ang na-iisip na paraan upang maiwasang mamalimos ang mga batang nasa kalsada, na kasalukuyan nang naghahanap ng lugar na mapagtatayuan.