Mga monghe sa isang Buddhist Temple sa Thailand, nag positibo sa ‘drug test’

USAP-USAPAN ngayon sa Phetchabun Province sa bansang Thailand, ang pag positibo sa drug test ng mga monghe sa isang Buddhist temple sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, nagsagawa ng surprise drug testing at raid ang mga kapulisan sa naturang templo makaraang matangap ng mga ito ang ‘tip’ o impormasyon na umano’y gumagamit ng iligal na droga ang mga monghe sa templo.

Hindi nga nagkamali ang impormasyon, matapos na mag positibo sa drug test ang apat na mga monghe sa templo, daan upang arestuhin ang mga ito at ma expel sa ‘Buddhist monkhood.’

Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag hinggil sa insidente ang monastic chief sa lugar ngunit sinabi nitong agad silang magtatalaga ng mga bagong monghe para may mag alaga at magbantay sa templo.

Ang monghe ay isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at kabanalan.### JDR