Mga magsasaka sa San Fernando Camarines Sur, hiningi ang tulong ng NIA-Bicol

NAGA CITY – Hiningi ngayon ng LGU-San Fernando ang tulong ng National Irrigation Administration Regional Office na magkaroon ng patubig o irigasyon sa mga sakahan nilang naapektuhan ng sobrang init ng panahon na kung saan apektado ang pagsasaka ng nasa 300 hanggang 400 na mga magsasaka, dahil sa umaasa lamang sila sa ulan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang datus na ito ng mga apektadong magsasaka ay naisumite na sa opisina reyonal ng Department of Agriculture, batay sa pahayag ni Allan Salvador, ang Agriculturist Officer ng San Fernando bilang kanilang aksyon para naman sa ayudang puwedeng maibigay ng ahensiya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Salvador, sinabi niyang kahit ganito kalawak ang apektado sa kanilang bayan, bahagi lamang ito dahil sa mayoriya ng mga magsasakang may irigasyon ay nakapag-ani na,at nakatakda na naman para sa muling pagtatanim ng mga palay.