Mga magkakatay ng baboy at meat handlers isinailalim sa training sa gitna ng patuloy na banta ng ASF

CAMARINES NORTE – Isinailalim sa training ng Lokal na Pamahalaan ang mga magkakatay ng baboy at meat handlers sa Basud, Camarines Norte sa gitna ng patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) hindi lang sa naturang bayan kundi sa mga karatig lugar.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino, layunin ng training na ma- orient ang mga magkakatay ng baboy sa municipal slaughterhouse gayundin sa mga meat handlers sa kung ano ang dapat nilang gawin para masigurong malinis at ligtas ang nabibiling karne ng baboy sa merkado.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Mayroon kasing umiiral na ordinansa sa naturang bayan patungkol sa operasyon ng municipal slaughterhouse at ang mga panuntunan para malabanan ang ASF.

Ayon kay Felomino, mahigpit na ipapatupad ng LGU ang ordinansa at sisiguruhin ang compliance ng mga ito.