Mga magbabayad ng real property tax, may 10% discount

KORONADAL CITY – MAKAKA-AVAIL ng 10% discount sa kanilang real property tax ngayong taong 2024 ang mga magbabayad ng buwis hanggang March 31.

Ang pagbibigay ng diskwento ay nakasaad sa local revenue code. Ang pondo mula sa real property tax ay gagamitin sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa para sa health, edukasyon at iba pang social services. Kaugnay nito, hinihikayat ng Provincial Treasurers Office o PTO South Cotabato ang mga tax payers na magtungo sa kanilang tanggapan o sa mga municipal treasurers office kung saan naroroon ang kanilang ari-arian.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors
Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu