Mga lola sa Japan, humataw sa breakdancing

Kung pagiging flexible lang naman ang labanan hindi uurong diyan ang mga lola sa Tokyo Japan na kayang sumabak sa breakdancing.

Tila hindi alintana ang edad sa pag-flip up at pag-tumbling ng mga the moves dance floor ng mga lola.

Sila ang 15 miyembro ng Senior dancing club sa Tokyo Japan.

Nabuo ang grupo dahil naging inspiration ng mga lola ang debut ng break dancing sa 2024 Paris Olympics.

Paraan na rin nila umano ito para makapag-exercise.