Mga lalabag sa red tide warning, papatawan ng penalidad – BFAR Bicol

Papatawan ng penalidad ang sinumang indibidwal na mahuhuling maghaharvest, magbibiyahe at magbebenta ng mga shellfish mula sa mga coastal waters na mayroong red tide warning.

Babala ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol Marine Fisheries Resource Management Section Chief Nonie Enolva, mapapatawan ng parusa sa ilalim ng Fisheries Administrative Order No. 235 ang sinumang hindi susunod sa kanilang inilabas na warning at patuloy pa rin na kukuha ng naturang mga shellfish gayundin ng alamang.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Kabilang aniya sa mga penalidad ay multang hindi lalagpas sa P10K o pagkakulong na hindi lalagpas sa isang taon.

Kaugnay nito apela ng opisyal sa publiko na hangga’t mayroong red tide warning sa kanilang mga lugar ay tigilan na muna ang mga aktibidad ng pagharvest at pagbenta ng mga nasabing uri ng lamang dagat, hindi lamang para makaiwas sa penalidad kundi para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan. Sa kasalukuyan ay nananatili ang red tide warning sa katubigang sakop ng Milagros sa lalawigan ng Masbate.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA