MGA KALAHOK SA NATIONAL DANCESPORT CHAMPIONSHIP HUMATAW SA LUCENA CITY

Humataw ang mga atleta o kalahok ng National Dancesport Championship sa Pacific Mall sa Lucena City nitong Huwebes, Hulyo 28.

Ginaganap ang limited face-to-face competion sa nasabing lungsod na dinaluhan ng mga delegado mula pa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Nagpakitang gilas ang mga atleta ng Modern Standard category sa mga sayaw na Walts, Tango, Vinnese Waltz, Foxtrot at Quickstep.

Habang Jive, Pasodoble, Rumba, Samba at Chachacha naman ang isinayaw ng mga nasa Latin category.

Mula sa 16 pares, nasungkit ng Lucena City, Region 6 at Region 11 ang ikatlo, ikalawa at unang pwesto sa Standard Category

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Samatala, sa Latin category ay nakuha naman ng Region 6 ang Gold, Silver ng Region 8 at Bronse medal ng NCR.

Ang nasabing championship competition ay bahagi ng Palarong Pambansa 2022 na dalawang taong naudlot dahil na rin sa pandemya. | via Kristine Salamat