Mga kakulangan sa pagtugon ng Pilipinas sa child sexual exploitation, inisa-isa

Naniniwala si UN Special Rapporteur on the sale and sexual exploitation of children (OSAEC), including child prostitution, child pornography, and other child sexual abuse material, Mama Fatima Singhateh na bahagya nang nagkaroon ng progreso ang Pilipinas laban sa pagsugpo sa OSAEC.

Sa pulong balitaan matapos ang kanyang pagbisita sa Department of Justice (DOJ), inilahad nito ang mga istratehiya para malabanan ang patuloy na paglaganap ng sexual exploitation sa bansa base sa kaniyang preliminary findings.

Napagalaman umano niyang tuloy pa rin ang Pilipinas bilang panguanhing destinasyon ng mga predator pagdating sa child traffiking, forced marriage, labor at sexual exploitation.

Nangyayari pa rin aniya ang ang illegal adoption; habang umiiral pa rin ang child marriage sa ibang mga minorities.

Iminungkahi rin ni Singhateh ang pagkakaroon ng mga trained barangay officials para tumugon sa mga reports ng child exploitation; at ang special training sa mga prosekyutor na humahawak sa mga ganitong uri ng kaso.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Matatandaaang ngayong araw na ang pagtatapos ng 11-day visit ni Singhateh sa bansa.

Maliban sa kanya, inimbitahan din ng Gobyerno sina UN Special Rapporteur on extra-judicial summary or arbitrary execution Morris Tidball-Binz, at Special Rapporteur on freedom of expression and opinion Irene Khan.
#

Mga hakbang para maalis na ang bansa bilang ‘top 1 sa mundo’ sa pang-aabuso at traffiking sa mga kabataan, tiniyak ng DOJ

Kinalampag na ni Justice Secretary Boying Remulla ang Kongreso na bilisan na ang pagbalangkas sa implementing rules and regulations o IRR ng SIM Card Registration Law.

Idiniin ni Remulla na malaki ang maitutulong ng pagre-register ng mga cellphone numbers para masugpo ang online sexual abuse sa mga kabataan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maliban pa rito, inaaral na umano nila ang mga paraan para mahinto na ang mga payment schemes ng mga parokyano ng child exploitation and online trafficking.

Aminado kasi si Remulla na hindi na sakop ng money laundering law ang mga predators na bumibili ng child sexual content dahil mababang halaga lamang ang ibinabayad ng mga ito.

Sa huli, tiniyak ng Kalihim na magsusumikap pa ang lahat ng mga ahensya ng Gobyerno kabilang na ang NBI, PNP, DOJ, at DILG para maalis na bilang ‘number 1’ sa buong mundo ang Pilipinas sa pagkakaroon ng talamak na online sexual exploitation.

Matatandaaang Agosto nang nang i-ulat sa inter-agency press briefing sa Malacañang na numero uno sa buong mundo ang Pilipinas sa child trafficking at online sexual abuse kung saan, idineklara ng Gobyerno ang giyera laban dito.
#

READ MORE: