Mino-monitor na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga grupo na nagsusulong ng paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ito’y dahil sa posibleng paglabag ng mga ito sa Konstitusyon dahil sa pagiging seditious.
Nauna nang sinabi ng PNP Chief na maaring magresulta sa kaguluhan kung matutuloy ang secession ng Mindanao.
Marami kasi umanong tutol dito kasama na ang buong hanay ng PNP.
Panawagan nya sa publiko, magkaisa at huwag patulan ang anumang mungkahi na naglalayong ihawalay ang Mindanao sa Pilipinas.