Mga gawain para sa kauna-unahang Fiesta Bicolandia sa Albay, inilatag na ng DOT Bicol

LEGAZPI CITY – Papalapit na aang kauna-unahang Fiesta Bicolandia sa lalawigan ng Albay, kung saan gaganapin sa darating na Nobyembre 4-6 sa kasalukuyang taon.

Dahil dito, inilatag na ni Department of Tourism (DOT) Bicol Regional Director Herbie Aguas ang mga aktibidad na isasagawa sa lalawigan ng Albay sa isang mall sa lunsod ng Legazpi.

Aniya, sa unang araw pa lamang ay magsasagawa ng Ceremonial Opening and Ribbon Cutting ng Fiesta Bicolandia.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Magkakaroon din ng opening ng Bicol Travel and Tourism Fair, launching ng Center of Fun Tourism Circuit at marami pang iba.

Maliban pa rito, magkakaroon din ng Bicol Regional Tourism Summit sa isang kilalang hotel sa lunsod sa ikalawang araw ng nasabing aktibidad.

Sa huling araw, dito na masisilayan ng mga manunuod ang Festival Street Dance at Parade and Showdown, kung saan ipapakita ng bawat lalawigan ang ipinagmamalaking festival.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa Albay, isasayaw nila ang Magayon Festival, Camarines Norte – Bantayog Festival, Camarines Sur – Kaogma Festival, Catanduanes – Abaca Festival, Masbate – Pamasayan Festival at Sorsogon – Kasanggayahan Festival.

Ang aktbidad na ito ay naglalayong ipakita na ang Bicol region ay bukas na sa pagtanggap ng mga turista sa tourist destination. Inaasahan umano na maraming local at foreign tourist ang dadalo at manunuod sa Fiesta Bicolandia ng DOT Bicol.