Mga flights sa Legazpi Airport, ililipat na sa Bicol International Airport mula sa Biyernes

BICOL—Huling operasyon na ng Legazpi City Airport bukas, Oktubre 7.

Ito ang anunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasunod ng pagbubukas na ng Bicol International Airport (BIA) bukas.

Dahil dito, lahat ng byahe sa Legazpi airport simula sa Biyernes, Oktubre 8, ay ililipat na sa BIA sa Barangay Alobo, Daraga, Albay.

Wala namang dapat ipangamba ang mga pasahero na malayo ang BIA sa sentro ng Legazpi dahil mayroon nang mga nakahandang byahe papunta sa paliparan at pababa sa sentro ng Daraga.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bukas, lilipad na ang unang domestic flight sa BIA para sa pormal na pagsisimula ng commercial operations nito.

Habang sa Nobyembre 7, lilipad na rin ang pinakaunang international flight sa paliparab.

Samantala, puspuasan naman ang naging preparasyon ng lokal na gobyerno ng Daraga kung saan ipinadala nito ang mga personahe ng Municipal Engineering Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Agriculture Services Office at General Services Office upang pagandahin ang labas at loob ng paliparan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Naglagay sila ng mga palm trees, pinatag ang mga lupa at naglinis sa labas at loob ng mga gusali.

All set na ang pormal na pagbubukas ng BIA bukas kung saan bibisita mismo si Presidente Rodrigo Duterte kasama si Transportation Secretary Arthur Tugade.### || slm