Mga doktor – binalaan laban sa ‘padulas’ ng mga pharma firms

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga healthcare workers na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga regalo sa mga pharmaceutical companies kapalit ng pag-po-promote sa kanilang mga produkto.

Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, inaasahan sa mga medical professional na panindigan ang kanilang professional at ethical standards.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sinabi naman ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na iniimbestigahan na nila ang umano’y kumakalat na marketing scheme ng mga drug firm.

Paliwanag ni Domingo, nakalagay kasi sa medical code of ethics na hindi dapat tatanggap ng kabayaran o reward na nagmumula sa medical companies para bigyang pabor ang kanilang produkto.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa oras na mapatunayan ang naturang gawain ay maaaring mawalan ng medical license ang mga sangkot na doktor.