Mga completely vaccinated sa COVID-19 sa Bicol pumalo na sa mahigit kalahating milyon

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 531,527 ang mga indibidwal na completely vaccinated na sa COVID-19 sa Bicol region hanggang sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon, September 17. 294,642 nito ang mga nakatanggap ng second dose ng bakuna habang 236,885 ang mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

Sa 17% coverage mula A1 hanggang Other priorities, 12% na ang fully vaccinated. 166% na ang fully vaccinated sa A1 o health care workers, 44% sa A2 o mga senior citizen, 42% sa A3 o individuals with comorbidity, 1% sa A4 o uniformed personnel at 0.12% sa Other priorities.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, umaabot naman sa 515,464 ang mga naturukan ng unang dose.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kabuuan ay nasa 1,046,991 doses na ang mga bakunang naiturok sa iba’t-ibang priority groups o 71% ng 1,484,180 doses na natanggap ng rehiyon.

Mababatid na sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 31,000 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region kung saan mahigit 8000 pa nito ang aktibong kaso.### || slm