Mga chief of police sa So.Cot, inatasan na alamin kung may mga ‘threat’ ang mga local officials sa kanilang lugar

KORONADAL CITY- BISITAHIN at kumustahin ang mga local chief executives at mga elected officials, at alamin kung mayroon ang mga itong natatanggap na banta sa buhay.

Ito ang direktiba ni Police Col. Cydric Earl Tamayo, provincial director ng South Cotabato Police Provincial Office o SCPPO sa lahat ng mga chief of police sa probinsya matapos ang nangyaring pamamaril-patay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na ikinasawi ng 8 iba pa.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Inatasan na rin ni Col. Tamayo ang mga hepe ng mga PNP stations sa lalawigan na balikan ang mga kaso na politically motivated at mga insidente na nangyari bago, sa araw at pagkatapos ng nakaraang dalawang halalan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala sa ngayon, sinusuri pa ng PNP kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno ang mga barangay na may intense political rivalry upang mapaghandaan at mailagay sa hotspot areas kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.