Mga bumalik sa illegal drug activities, minomonitor ng PDEA 12

KORONADAL CITY- KINUMPIRMA ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Assistant Regional Director Atty. Francis Del Valle na may mga drug personalities na bumalik na naman sa kanilang dating bisyo at illegal drug activities pagkatapos na bumaba sa pwesto si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  178 sacks of moldy rice disposed of in Bantayan, Cebu

Ayon kay Del Valle na ito ay batay sa monitoring at mga natanggap na reports ng kanilang tanggapan.

Karamihan aniya sa mga ito ay mga dating drug surrenderers noong panahon ng Duterte administration kung saan naging maigting ang war on drugs campaign.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Inihayag ng opisyal na ang mga inireport na bumalik sa kalakaran ng ilegal na droga ay isinasailalim sa validation at kung mapapatunayan ang kanilang involvement, ang mga ito ay nagiging subject ng anti-illegal drugs operations ng ahensya.