Mga barangay tanod sa Narra, posible umanong atasan sa pagsita sa mga buyer ng lobster

Posible umanong atasan ang mga Barangay tanod sa pagpuna sa mga ilegalista na bumibili ng lobster sa Bayan ng Narra, Palawan.

Matapos ang privilege speech ni Konsehal Joel Bito-Onon nitong Martes ay tinalakay ang mga maaring maging papel ng Barangay sa pagpapatigil sa mga walang permit na mga buyer.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nabanggit din ng ilang mga lokal na mambabatas na nasa tatlong Lobster Business lamang ang mayroon umanong Mayor’s permit sa munisipyo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Gayunpaman, magtatakda pa ng dayalogo ang mga concerned department patungkol sa usapin.

Samantala,umaasa naman ang mga umaaray na legal na maaksyonan ng Lokal na Pamahalaan at mga awtoridad ang ganitong sistema.