Mga barangay officials, hindi dapat magpagamit sa kampanya ng mga kandidato – DILG

Iginiit ni Department of the Interior & Local Government (DILG) Barangay Affairs Under Secretary Martin Diño ang papel ng mga opisyal ng barangay ngayong panahon ng eleksyon.

Aniya, dapat umano sila maging ‘apolitical’ o wala silang papanigang kandidato.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi din ni Diño na hindi dapat gamitin ang mga pasilidad ng barangay katulad ng barangay hall, covered court pati ang ang opisyal na sasakyan ng barangay.

Kung gagamitin man aniya ang covered court ay dapat bayaran ng mga campaign rally organizers ang kuryente.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Samantala, ang mga barangay tanod naman ay hindi pwedeng gawing marshals sa panahon ng kampanya. (ARGIE ERGINA)