Mga bagong dating na Vote Counting Machine sa Basud, Camarines Norte pinabasbasan sa Pari

CAMARINES NORTE- Dumating na kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa May 2022 National and Local Elections.

Sa bayan ng Basud, minarapat ng Commission on Elections na pabasbasan muna sa pari ang mga VCM bago dalhin sa mga polling places

Ayon kay Election Officer IV Virgilio Veras, mahalagang paghahanda sa halalan ang pagdulog sa Diyos at ipanalangin ang kaayusan nito.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Naniniwala umano siya sa kapangyarihan ng panalangin para sa isang maayos at makabuluhang pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Sa kaniya namang maikling homiliya para sa pagbabasbas, binigyang diin ni Father Roger Yarte, ang Diocesan Priest Coordinator ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng Diocese of Daet na nasa tao ang kapangyarihan para maghalal ng mga kandidato.

Paalala ng pari sa mga botante na maghalal ng mga kandidato na naayon sa kunsensya bilang kristiyano at sa pamantayan ng simbahan.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa pagbabasbas umano ng VCMs at mga election paraphernalia ay nangangahulugan ng paghiling ng biyaya at grasya ng Diyos.

Ngayong araw naman ay isasagawa ang Final Testing and Sealing ng mga VCM na gagawin sa mga presinto.

Maliban sa 51 VCM na gagamitin sa naturang bayan ay natanggap na rin kahapon ng Comelec ang mga ballot boxes, CCS Kit, BGAN at baterya.