Narecover ng 79th IB, ang mga armas ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Washington, Escalante, Negros Occidental.
Ilan sa mga narecover ay ang ibat ibang klase ng kalibre at bala na naka libing sa lupa.
Ayon pa kay 1st Lt. Dan Carlo Zamora, Civil Military Operations Officer ng 79th IB, isang sibilyan umano ang nag bigay sa kanila ng impormasyon.
Dagdag pa ni Zamora na hindi pa nila matukoy kung ang bala na narecover ay parehas sa balang ginamit ng NPA sa nangyaring engkwentro sa Sitio Mansulao, Barangay Pinapugasan, Escalante, Negros Occidental. //MERIAM LUMBRES AGDIPA