Mga aktibidad kaugnay ng nat’l women’s month celebration ngayong Marso, nilatag ng Albay PSWDO

LEGAZPI CITY – Kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, inilatag na ng Albay Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang kanilang mga plano at aktibidad na isasagawa sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PSWDO head Ma. Vivien Cea, sinabi niya na isa itong espesyal na pagdiriwang at mayroon silang mga inihanda para rito.

Una, sa Marso 12, pupunta sila sa Albay Provincial Jail upang bisitahin ang mga babaeng Persons Deprived of Liberty at mamahagi ng hygiene kits.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Maliban dito, magsasagawa rin sila ng seminar upang ipaliwanag ang kanilang mga karapatan bilang mga babae at ang mga proteksyon ang maibibigay sakanila ng batas.

Ayon kay Cea, mayroon ding seminar sa Marso 21 at 22 na pinamagatang “Gender Responsive Case Management” para sa mga partner service providers at duty bearers na nagpapatupad ng mga pangunahing batas para sa mga kababaihan.

Sa aktibidad na ito, iniimbitahan ang mga City at Municipal Social Welfare and Development Officers sa lalawigan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

At ang pinaka-highlight umano sa lahat, ang isang pageant na sasalihan ng mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina sa Marso 20, kung saan bawat lungsod at munisipyo, mayroong mga contingent upang i-showcase ang kanilang beauty and brain.

Binigyang-diin ni Cea, sa pagdiriwang na ito, dapat makita ang tunay na kahalagahan ng mga kababaihan, kanilang papel sa pagpapanatili ng magandang relasyon sa loob ng pamilya, at maging sa kanilang mga komunidad.