Merkel ikinabahala ang posibleng COVID-19 Delta variant surge sa Europa

Nagbabala si German Chancellor Angela Merkel sa Europa na posibleng makaranas ng panibagong surge ng Delta variant ng COVID-19.

Ang babala ni Merkel ay kasunod ng warning ng EU Health Officials na posibleng maitala ang 90% ng Delta cases ang maitala sa huling bahagi ng Agosto.

Dahil sa pagkalat ng Delta variant, hindi malayong maantala ang planong pag-alis ng mga restrictions sa paparating na summer season.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Matatandaan na unang nadiskubre ang Alpha variant sa UK noong unang bahagi ng taon pero sa ngayon ay dominat variant na ang Delta na sinasabing nasa 40 hanggang 60% na mas nakakahawa.

Kaugnay nito, sinabi ni Andrea Ammon, director ng European Center for Disease Prevention and Contril na ang pagkalat ng Delta variant ay malinaw na indikasyon na dapat mas pabilisin pa ang vaccination rollout sa Europa.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Lumalabas din kasi sa mga pag-aaral na hindi pa rin ligtas sa pagkakahawa ang mga tao na naturukan na ng isang dose pa lang ng bakuna