Mental health ng mga estudyante sa Naga City tiniyak na napapangalagaan

NAGA CITY – Napapangalagaan ng mga paaralan at ng City Health Office ang mga estudyante mula elementarya hanggang sa segundarya laban sa mental health issues tulad ng epekto ng bullying, pagkakaroon ng mababang marka at matapang na guro.

Tiniyak ito ni Magno Reyes, Mental Health Nurse Coordinator ng City Health Office para ma-monitor din nila regular ang kalusugan sa kaisipan ng mga estudyante sa kabila ng mayroon namang sariling programa ang Department of Education hinggil dito.

Sa pakikipag-usap ni Reyes sa Brigada News FM Naga, sinabi nito na nakikipag-ugnayan naman sa kanyang opisina ang mga guro kung may problema ang mga ito sa kani-kanilang mga estudyante na agad naman nilang pinag-uusapan kung ano ang posibleng mga solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *