Menor de edad, sinakal ng isang lalaki sa Mulanay, Quezon

Inirereklamo ngayon ng isang ginang ang lalaking sumakal sa kanyang menor de edad na anak sa Mulanay, Quezon nitong Martes, Abril 16.

Ayon sa report, bandang alas-9:30 ng gabi umano nang magtungo ang suspek sa bahay ng ginang at galit na inutusan ang anak na palabasin ng bahay ang kanyang ina.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nang hindi ito lumabas, doon na pinagbuntunan ng suspek ang menor de edad at sinakal ito hanggang sa maawat ng mga kaanak ng biktima.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon, arestado na ang suspek at inihahanda na ang kaukulang reklamong Physical Abuse.