Meeting kasama si US President Biden, hindi pa rin kumpirmado

Inilatag ni Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez ang ilan sa mga inaasahang agenda ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang US Trip mula sa susunod na linggo, at ang pagdalo nito sa United Nations General Assembly o UNGA.

Ayon kay Romualdez, handa na ang Pangulo para sa kanyang UNGA address – ang unang pagkakataon ni Marcos na magsasalita sa buong mundo sa harap ng mga state leaders.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Inaasahan umanong tatalakayin ni Marcos ang ilang mga usapin hinggil sa pandemic recovery, at gayundin ang mga hakbang para matugunan ang global climate change, at kapayapaan sa rehyon.

Maliban pa rito, inaasahan din ang pakikipagpulong ng Pangulo sa mga negosyante sa kanyang US Trip; pati na rin ang posibilidad ng isang CEO roundtable kasama ang US-ASEAN Business Council.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Nakatakda rin aniya ang pakikipag-meeting ni Marcos sa lima hanggang anim na mga head or states.

Ayon kay Romualdez, kabilang sa mga posibleng makausap ng Pangulo ay sina Japanese Prime Minister Fumio Kishida, Malaysian Prime Minister Ismail Sabri Yaakob, habang ang iba ay hindi pa muna tinukoy.

Samantala, bagamat posible ang meeting ni Marcos at US President Joe Biden, hindi pa rin ito sigurado dahil sa busy schedules ng dalawang mga pangulo.
#