Medusa Ransomware attack sa PhilHealth, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinasisilip ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa Kamara ang pag-atake ng “Medusa Ransomware” group sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Setyembre.

Ito’y matapos aminin ng PhilHealth na nagkaroon ng seryosong data breach dulot ng pag-atake.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Nangangamba si Brosas na ang mga personal na impormasyong posibleng nakuha ng hackers ay magagamit sa krimen laban sa mga miyembro ng PhilHealth gaya ng identity theft.

Ipinaliwanag ng kongresista na dapat ay umamin na agad ang PhilHealth upang naimbestigahan na sana ang insidente at makagawa ng aksyon ang concerned agencies at matugis ang mga nasa likod ng data breach.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kasabay nito, pinasusumite ni Brosas ang National Privacy Commission ng kopya ng findings sa naganap na cyber attack sa PhilHealth.