MDRRMO Pio Duran, problema pa rin ang kawalan ng supply ng tubig sa upland barangays

LEGAZPI CITY – Nararanasan pa rin ngayon sa bayan ng Pio Duran, Alba yang problema sa kawalan at kakulangan ng supply ng tubig partikular sa mahigit dalawampung upland barangays dala ng epekto ng tag-init na nagdulot na rin ng pagkatuyo ng Panganiran Dam at River.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Pio Duran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Noel Ordoña, sinabi niya, maraming mga residente mula sa upland barangays ang lumalapit sakanila at humihingi ng tulong na kung maaari ay madalhan sila ng tubig.

Kaugnay din nito, nananawagan umano sila sa Red Cross na kung maaari’y mabigyan sila ng chlorine, dahil mayroon naman silang tubig kaya lang, marumi.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, sa pangunguna umano ng LGU, patuloy ang pag-deliver nila ng tubig sa mga apektadong residente subalit inuming tubig lamang ang kaya nilang maibigay.