Mayor Guo, itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya

Iginiit ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na hindi siya sangkot sa human trafficking, money laundering at iba pang krimen na may kinalaman sa POGO.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Hindi rin aniya makatarungang isakdal ang isang alkalde sa ganitong mga aktibidad nang walang sapat na ebidensya.

Inilipat na  umano niya  ang interest ng Baofu sa pamamagitan ng Deed of Assignment bago pa man mahalal noong 2022.

Read More:  Remulla urges SC to revisit main plunderer doctrine

Sinabi rin ni Guo na hindi siya tumakbo para protektahan ang personal na interest sa negosyo.

Ayon sa PAOCC magkokomento sila kaugnay sa liham ni Guo oras na mapag-aralan nila ito.