Ikinokonsidera ng militar at ng pulisya ang May 9 electios bilang “good” at “generally peaceful” sa kabila ng mga napaulat na poll-related violence at mga insidente na nagresulta ng casualties.
Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), may 15 election-related violent incidents gaya ng shootings, explosions, at grenade throwing, ang naitala simula May 8.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), may bina-validate sila na 16 election-related incidents.
Nilinaw naman ni Zagala, na hindi pa tiyak kung ang AFP at PNP ay may magkaibang insidenteng naitala, dahil ang militar ay iniuulat lang ang “violent” incidents.
Samantala, maging ang Commission on Elections ay naniniwala rin na ang May 9 polls ay tahimik.