Maximum tolerance, tiniyak ng PNP sa EDSA bukas

Magpapatupad ng maximum tolerance ang Philippine National Police sa mga grupo na magsasagawa ng kilos protesta
sa Edsa People Power Revolution Anniversary bukas.

Umapela si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., sa mga ito na idaos ang kanilang programa ng mapayapa.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Mahigit walong libong pulis ang idedeploy ng PNP sa Metro Manila at Cebu City.

Una nang idinepensa ng PNP ang latag ng kanilang seguridad.

Sagot ito ng PNP sa pahayag ng grupong Bayan na animoy police power at hindi people power ang mangyayari sa paggunita ng Edsa anniversary.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Dapat daw maunawaan ng mga raliyista, ayon sa PNP na proteksyon din ito sa kanila at hindi lang sa mga maaaring maapektuhan ng kanilang pagkilos.