Matinding trapiko na nararanasan ng mga motorista sa Basud bridge ng Sto. Domingo, Albay ipinaliwanag ng DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ang naging sanhi ng matinding trapiko sa Basud bridge ng Sto Domingo Albay.

Ayon kay Lucy Castañeda, ang Regional Information ng Officer ng DPWH, nagkaroon ng counter flow na mga sasakyan na naging dahilan ng pagkahaba haba trapiko sa kalsada kahit mayroon ng traffic lights sa basud bridge.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Panawagan nito sa mga driver ng kanilang sasakyan na sundin ang ipinatutupad sa lugar upang maiwasan ang pagkahaba ng pila ng mga sasakyan.

Binigyan na lamang ito ng dalawang araw o hanggang December 24 na tapusin ang inaayos sa basud bridge.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Dagdag pa nito, hindi sinasadya ng tanggapan na ang pag aayos ng Basud Bridge ay itinapat sa holiday season bagkus ito ay natagalan umano bumaba ang budget nito.

Ang pag-aayos na malapit sa basud bridge ay nasira umano nitong nakaraang bagyong Ulysses.