Matapos ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa gasolina; at walong linggo naman sa diesel at kerosene – simula bukas ay epektibo naman ang bagong round ng oil price hike.
Ayon sa oil companies, tataaasan ng P2.90 ang kada litro ng diesel.
Mayroon ding umento na P1.65 sa kada litro ng kerosene; at P0.70 sa kada litro naman ng gasolina.
Epektibo ang adjustment alas-sais ng umaga bukas sa Pilipinas Shell, Jetti, at PTT Philippines.
Habang alaskuwatro naman ng hapon bukas sa CleanFuel Philippines; habang hatinggabi sa Caltex.
Ngayong hapon ay nakatakda na ring mag-anunsyo ang iba pang oil companies.
Matatandaaang nitong Martes lang nang nakaraang linggo ay ipatupad ang big-time price rolback na P3.40 sa diesel; P1.70 sa gasolina; at P4.40 sa kerosene.
