Mataas na opisyal ng PRO2 binisita ang dalawang himpilan ng pulisya sa Isabela

Binisita kahapon ni PBGEN Marcial Mariano P Magistrado IV, Deputy Regional Director for Administration ang Cauayan Component City Police Station at Naguilian Police Station.

Layunin ng pagbisita na i-monitor ang mga kapulisan at mapataas ang kanilang morale . Maigting na ipinapatupad ang internal cleansing sa hanay ng mga kapulisan.

Sa kaniyang pagharap sa mga kasapi ng naturang mga himpialn ng pulisya , ipinaalala nito ang kahalagahan ng disiplina , tamang pag iingat ng kanilang baril at pagiging alerto sa kanilang trabaho.

Tinalakay din ang kahalagahan ng implementasyon ng Project RONDA sa pagmantina ng peace and order sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *