Mastermind sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid, posibleng tukoy na ng DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na ‘very possible’ na tukoy na nila ang mastermind at nasa likod ng pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Remulla, marami nang naging development sa mga imbestigasyon sa kaso at posibleng alam na nila ang pagkakailanlan ng nagpapatay kay Lapid.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa ngayon aniya, ine-evaluate na lamang nila ang lahat ng mga affidavit at testimonya na nagmula sa mga persons of interest sa kaso.

Samantala, sinabi rin ng Kalihim na humingi ng extension ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun para sa autopsy report sa mga labi ng midleman sa kaso na si Jun Villamor.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Bagamat na-delay, posible umanong ngayong araw ng Sabado ay isasapubliko na nila ang nilalaman nito.