Mason Amos, nagpaalam na sa Ateneo

Ipinahayag na ni Mason Amos ang kanyang pagalis sa Ateneo de Manila University bilang isang manlalaro ng UAAP.

Sa social media post Mason, makikita na nagpapasalamat siya sa kanyang team, coach at sa lahat ng kapwa Ateneans.

Dagdag pa nito, sinulat din niya na kanyang naambag sa Ateno na aabot sa average na 8.87 puntos at  3.4 rebounds nitong UAAP Season 86.

Laking pasasalamat ni Amos sa lahat ng nakasama niya sa Ateneo, at lubos niyang sinasabe na proud siya sa sarili niya dahil sa naging parte siya ng Ateneo.

Samantala, lalaro pa rin si Mason sa Men’s basketball sa UAAP, ngunit hindi bilang Ateneans kundi sa panghabambuhay na kalaban na Ateneo na ang De La Salle University. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)