Mas maraming satellite venues para sa PRC licensure exams iminungkahi ni Angara

Hinimok ngayon ni Senador Sonny Angara ang Professional Regulatory Commission (PRC) na magkaroon ng mga satellite venues para sa PRC licensure examinations.

Paliwanag ni Angara dapat ikonsidera ng PRC ang paglalagay ng mga satellite venues sa mga kukuha ng pagsusulit para sa mga aspiring doctors, nurses, policemen, teachers at iba pang professionals ngayong nahaharap ang mga ito sa problemang pinansiyal at isyu sa mobilidad.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Ayon sa senador maraming pamilya ang naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pagsasara ng mga negosyo na nagresulta sa kawalan ng trabaho.

Dagdag pa ni Angara hindi madali ang pagkuha ng licensure examination dahil kailangan pa ng mga kukuha ng pagsusulit na pumunta sa mga regional offices na nangangahulugan ng dagdag gastos para sa pamasahe at bayad para sa pansamantala nitong matutuluyan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Iminungkahi din ng Committee on Finance chairman na maaaring ikonsidera ng PRC na gawing satellite testing venue sa mga probinsiya ang mga lugar na mayroong mahigit isang-daang examinees.

Nabatid na gaganapin ang licensure exam para sa mga teachers at doctors ngayong September; November naman para sa mga Nurses, habang ang mga criminologists ay itinakda sa December. (LEY BAGUIO)