Mas maraming power outages, asahan na hanggang August

Inutos ng Senado sa Department of Energy (DOE) na bumuo ng task force para mahanapan nito ng solusyon kaagad ang inaasahang power supply shortage ngayong buwan hanggang sa maagang bahagi ng Agosto ngayong taon.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, chair ng Senate committee on energy, na kailangan ng DOE na bumuo ng task force para matugunan ang mga paparating na brownouts.

Ipinunto ng senador sa gitna ng presentation ng DOE sa Senate committee hearing na kailangan na ng local government units na paghandaan ang power shortage.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Inihayag ng DOE sa Senado na inaasahan na nila ang severe supply shortage simula sa susunod na linggo hanggang sa unang linggo ng Agosto dahil sa extended plant outage, na sinamahan pa ng naka-schedule na maintenance ng ilang power plants.

Ipinunto ng DOE na maaring malagay ang Luzon power grid sa yellow at red alerts sa nasabing panahon, na posibleng humantong sa rotational brownouts.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, inihayag naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na hihimukin nila ang malalaking power consumers na magpartisipa sa interruptible load program (ILP) para mabawasan ang demand sa power grid.

Isinusulong rin ng kalihim ang pagpapaliban sa maintenance schedules ng power plants at ang operasyon ng GNPower Dinginin sa mga critical weeks.

Una nang sinabi ng KEPCO Ilijan Corporation, na nag-ooperate sa 600-megawatt (MW) Ilijan Block A gas fired power plant, na handa itong ipagpaliban ang kanilang nakatakdang maintenance shutdown hanggang sa katapusan ng July.