Mas malaking meal at medical allowance ng mga preso, hindi naaprubahan sa ilalim ng 2024 proposed budget ng Department of Justice

Aminado ang Department of Justice na kukulangin ang pondong inilaan para sa Bureau of Corrections sa susunod na taon upang isaayos ang mga piitan sa bansa.

Sa budget hearing ng House Appropriations Committee ngayong araw, inusisa ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ukol sa napakaliit na subsistence at medical allowance para sa mga inmate.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sinabi ni Remulla na 23 billion pesos ang una nilang hiniling sa Department of Budget and Management para sa BuCor ngunit 7.24 billion pesos lamang ang inaprubahan.

Sa pamamagitan sana nito ay itataas sa 100 pesos ang meal allowance ng mga preso mula sa 70 pesos at 30 pesos para sa medical allowance mula sa 15 pesos.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kasama sa unang proposal ng DOJ ang pagpapatayo ng mga bagong kulungan upang ma-decongest ang New Bilibid Prison.

Pangalawa ang BuCor sa may pinakamalaking alokasyon mula sa proposed budget kasunod ng Office of the Secretary na may mahigit siyam na bilyong piso.