Marcos, target na maibaba ang inflation sa bansa sa unang quarter ng 2023

Aminado si President Ferdinand “Bongbong” Marcos na hindi siya nakakatulog dahil sa problema ng inflation rate sa bansa, at iginiit na determinado siyang maibaba ito.

Sa gitna nito, bagama’t aminado si Marcos na aangkat ang gobyerno ng tone-toneladang sibuyas sa tangkang matugunan ang mababang local supply nito, matatagalan parin umano bago bumaba ang presyo ng naturang commodity.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Mababatid na naitala ang inflation rate sa 8.1 percent noong December 2022, na .1 percent na mataas kumpara sa naitala noong Nobyembre.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa pangulo, ang inflation rate noong Nobyembre ay “out of control” at “running rampant” habang noong Disyembre naman ay nananawagan para sa mas magandang produksyon ng agricultural products sa bansa.