Aprubado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-aangkat ng 150,000 na metric tons ng asukal.
Kalahati ito ng orohinal na nilalaman ng kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na naumsyami’t pinaimbestigahan pa sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Ngayon – nilagdaan na ni Marcos ang Sugar Order No. 2 (Series of 2022-2023) para matuloy na ang importation ng refined sugar.
Kalahati nito, o katumbas ng 75,000 metric tons ay ilalaan para sa mga industrial users, habang ang nalalabi namang kalahati ay ilalaan para sa mga konsumer.

Pinatitiyak din sa ilalim ng SO No. 2 ang pagtangkilik sa lokal na produksyon ng asukal, pati na rin ang pagsisigurong kontrolado o abot-kaya ang presyo nito sa merkado.
Maliban kay Marcos, signatories din sa naturang order sina Agricultue Undersecretary Domingo Panganiban, at mga bagong Sugar Regulatory Administration officials kagaya ni acting Administrator David John Thaddeus Alba, at board members Ma. Mitzi Mangwag, at Pablo Luis Azcona.

#