Marcos: Govt sisikapin na mapanatiling mababa ang presyo ng langis

Binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos na aktibong pinagsisikapan ng kanyang gobyerno na mapanatiling mababa ang presyo ng langis sa bansa, ilang araw bago ang holidays.

Una nang nag-abiso ang Department of Energy, na posibleng magkaroon ng increase sa presyo ng liquefied petroleum gas sa susunod na buwan, pero magpapatuloy naman umano ang rollback sa langis.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Sa katunayan, noong Martes, inanunsyo ng ilang oil companies na may isa na namang bawas presyo sa krudo, kung saan ang presyo sa bawat litro ng diesel at gasolina ay bababa sa P3.95 at P0.85.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sa gitna nito, umaasa ang pangulo na magkakaroon ng price adjustments para sa Pasko. //MHEL PACIA