Marcos Admin hinimok na magtalaga ng ‘best and brigthest’ BOC chief at hindi basura

Umapela si Northern Samar 1st District Congresman Paul Daza kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, Vice President Sara Duterte at Finance Secretary Benjamin Diokno na magtalaga ng best and brightest officials lalo na sa mga ahensiya na may kaugnayan sa pangungulekta ng buwis.

Paliwanag ni Daza na nagsisimula ang Good governance sa pagpili ng pinakamahusay at matalinong department heads.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Partikular na tinukoy ng mambabatas pag-aapoint sa mga mamumuna sa Bureau of Customs o BOC.

Nakiusap si Daza kay Secretary Diokno na huwag nang magtalaga ng mga basura o tiwaling opisyal sa BOC at pakinggan ang nais ng publiko na malinis mula sa mga corrupt officials ang pamahalaan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Binigyan diin ng kongresista na hindi makakamit ang target na koleksyon sa buwis kung ang mga itatalaga sa mga revenue-generating agencies ay may bahid ng katiwalian.