Marcial isang panalo na lang para sa medal round sa Tokyo Olympics

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng mga Filipino boxers sa Tokyo Olympics.

Ngayong umaga pormal nang nakapasok si Eumir Marcial sa quarter-finals matapos pabagsakin sa 1st Round si Younes Nemouchi ng Algeria sa Men’s Middleweight Division.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Unang bumagsak si Nemouchi matapos tamaan ng malakas na kanan ni Marcial.

Napilitan naman itigil ng referee ang laban matapos magkaroon ng sugat sa kaliwang kilay ang Algerian fighter.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Kailangan naman maipanalo ni Marcial ang susunod na laban para makasiguro sa Olympic medal.

Haharapin ng Pinoy boxer ang pambato ng bansang Armenia na si Arman Darchinyan, pamangkin ng kilalang boksingero na si Vic Darchinyan.