Marc Pingris, balik sa paglalaro sa MPBL – report

Naiulat ng isang sports news site na magbabalik sa competitive basketball si Marc Pingris, na kilala ng PBA fans bilang “Pinoy Sakuragi”.

Sinabi ni Nueva Ecija Rice Vanguards coach Charles Tiu sa isang ulat na pinapirma nila ang dating Gilas Pilipinas stalwart para sa darating na Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational Cup.

Read More:  PLDT dominates ZUS Coffee for back-to-back PVL wins

Inaasahan na magsisimula ang torneyo sa December 11, o pitong buwan matapos magretiro ng dating miyembro ng Magnolia Hotshot ang kaniyang retirement sa PBA.

Read More:  Team PH wraps up Asian Para Games campaign with seven medals

Mababatid na ang 40-anyos na si Pingris, na 16 na taong naglaro sa PBA, ay isang nine-time PBA champion at two-time PBA Finals MVP.