Mapayapang BARMM election, ibinilin ni Pangulong Marcos sa AFP

Pinatitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa tropa ng Armed Forces of the Philippines o AFP na nasa Sulu, ang mapayapang parliamentary election ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa pagbisita ng Pangulo sa 11th Infantry Division sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu sinabi nitong kailangang matiyak na nahalal ng tama ang mga mananalong members of parliament.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Isa pa sa ibinilin ng Presidente sa kanila, ay tiyaking hindi masisira ng terorismo ang karapatan ng mga residente na bumuto.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Nabatid na ito ang unang beses na magsasagawa ng parliamentary election sa BARMM.

Isa ang lalawigan ng Sulu na nasa ilalim ng BARMM, kasama ang lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, and Tawi Tawi.