Manny Pacquiao, pinagbabayad ng 280M matapos matalo sa kasong isinampa ng Paradigm

Pinagbabayad ng US jury si Manny Pacquiao ng $5.1 million o halos 280 million sa Paradigm Sports Management matapos matalo sa civil lawsuit na isinampa laban sa kanya.

Sa ulat , nanalo ang PSM sa demanda nito laban kay Pacquiao sa pamamagitan ng 9-3 jury verdict, na nagbigay-daan sa kanila sa monetary damages mula sa Filipino boxing icon.

Read More:  Team Philippines eyes bigger Gold Medal Haul in Aichi-Nagoya Asian Games

Kabilang sa iniutos na $5.1 milyon ang $1.8 milyon na danyos at ang $3.3 milyon na advance na ibinigay ng PSM sa boxing legend.

Read More:  Alex Eala enters second US Open main draw with career-high ranking

Nag-ugat ang demanda kay Pacquiao dahil sa umano’y “Breached of Contract” na nagdulot umano ng malaking pagkalugi sa kumpanya.//CA