MANIBELA: ‘talo’ ang Gobyerno matapos payagang makabiyahe ang mga uncosolidated PUVs

“Laban!”

‘Yan ang sigaw ng mga driver at operator sa ikinasang huling tigil pasada ng Grupong Manibela at Piston ngayong taon.

Kasama ang kanilang mga anak at asawa, nanindigan ang mga tsuper at operator na lalaban sila para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon sa kanila, ayaw nilang magconsolidate dahil pag sumali sila ay wala na silang kapangyarihsn at magiging sunod sunuran na lamang.

Kaugnay nito, nanindigan naman si Manibela Chairman Mar Valbuena na talo ang gobyerno matapos magkaroon ng extension para makabiyahe pa rin na unconsolidated PUV operators hanggang January 31.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Aniya, nagpapatunay lamang ito na marami pa ang hindi nakakapag consolidate at marami ang maaapektuhan pagdating ng susunod na taon.