Dissapointed ang manager ni Jed Madela na si Annie Mercado dahil sa bagong kantang inilabas umano ng kaniyang alaga.
Giit ni Anne hindi sila “dumb” para hindi matukoy na sila umano ang pinatutungkulan ni Jed sa bagong nitong kanta na Wish U The Worst.

Sinabi ni Annie na ang kantang ito ay puno ng negativity, hate, and bitterness always playing the ‘victim.’
Dagdag pa niya, panindigan dapat ni Madela ang kanta niyang ginawa at inimbitahan siyang pumunta sa press at doon sabihin lahat at ‘wag idaan sa kanta, upang malaman din ng mga tao ang totoong dahilan.
Sa ngayon wala pang inilalabas na reaksyon ang singer na si Jed Madela patungkol sa isyu. (BRIGADA NEWS INTERN- HANNAH MAGNAYE)