Man vs Bees: limang milyong bubuyog, ‘di magkamayaw sa paglipad sa kahabaan ng kalsada sa Ontario

Agaw-pansin ang hindi magkamayaw na higit limang milyong galit na bubuyog, matapos makatakas ang mga ito sa nalaglag na wooden box na pinaglalagyan nila sa isang truck sa kahabaan ng kalsada sa Burlington, Ontario.

Padako rito at doon, nagkalat ang mga naturang bubuyong sa mga kotse at daan na walang pinapalampas na mga motorista para hindi madapuan.

Tunay nga na sa maliliit na insektong ito, ‘di mo aakalain na mas makapangyarihan sila kapag sama-sama―kaya’t maging ang dalawang kamay ng may-ari nito na si Tristan Jameson, isang commercial beekeeper, ay hindi na kinaya ang pagkontrol sa sarili niyang mga alaga dahil mismong siya ay pinagpiyestahan na rin ng mga ito na nagtamo ng lagpas sa 60 na tusok.

Bilang ganti, kung paanong nagkaisa ang mga bubuyog, sumugod din ang grupo ng mga beekeepers para hulihin ang mga ito para hindi na makapinsala pa sa ibang motorista na naabala sa naturang ‘bee emergency’.###JOHNOAH MAE ZEPEDA