Mambabatas nanawagan sa mabilis na aksyon ng gobyerno sa mga kaso ng 83 Pinoy na nasa death row

Nanawagan si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa mabilis na aksyon ng gobyerno sa mga kaso ng napaulat na 83 Pilipinong nasa death row sa ibang bansa.

Sa isang pahayag, ikinagulat ni Salo na siya rin chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs na maraming Pilipino sa ibang bansa ang nahaharap sa death row.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Umapela rin ang mambabatas sa DFA at DMW na agad isagawa ang mga kinakailangang interbensyon at representasyon mula sa mga programa ng mga nabanggit na ahensiya.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Matatandaang una ng sinabi ng DFA na ang mga bansa kung saan may mga Pilipino nasa death row ay kinabibilangan ng  Malaysia,  United Arab Emirates, Saudia Arabia,  Bangladesh, China, Vietnam, ang Estados Unidos, Japan, at Brunei.//CA